Bistek, bigo pa ring sagutin ang nalustay na P2.7 B QC Vice-Mayor’s budget

BIGO PA RIN si Quezon City Vice-Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na sagutin ang mga katanungan sa hindi maipaliwanang na paggamit ng P2.7 bilyong badyet ng kanyang tanggapan.

Sa isang national TV interview, halatang nangangapa sa dilim ang komedyanteng Vice- Mayor nang tanungin kung papaano ginamit ang P300 milyong pondo kada taon ng kanyang tanggapan.

Matatandaan na sinampahan ng kasong graft si Bautista sa Office of the Ombudsman kaugnay ng hindi niya maipaliwanag na paglustay umano sa P300 milyong taunang badyet ng kanyang tanggapan na may kabuuang P2.7 bilyon sa loob ng siyam na taon.

Bago ang interview ni Bautista, inilahad ni mayoralty candidate Mike Defensor sa programa ng ANC ang malaking gastusin ng Office of the Vice Mayor sa pagbili ng mga softdrinks at pagkain nang hindi dumadaan sa kaukulang proseso.

Ibinunyag ni Defensor na umabot sa P98 milyon ang nagastos ng komedyanteng aktor sa kuwestiyonableng pagbili ng softdirnks at pagkain noong 2009. Nauna rito, umabot sa P83 milyon ang nagastos ng kanyang tanggapan noong 2008 at P33 milyon naman noong 2007 para rin sa inumin at pagkain.

‘Kung susuriin natin, halos one-third ng pondo ng Office of the Vice Mayor ay nagamit sa pagbili lamang ng softdrinks at pagkain. You just don’t use that portion of the fund to buy softdrinks. You must prioritize your program para sa ating mga kababayan,” ani Defensor.

Sa mga nabanggit na transaksiyon, sinabi ni Defensor na walang naganap na bidding at may sertipikasyon pa na walang nakitang pagkain at inumin sa inspeksiyon kung kaya’t lalong naging kuwesityunable ito.

At dahil hindi masagot ng dating komedyante ang isyu, agad nitong binansagan ang usapin bilang isang black propaganda at political harassment.

Pero ayon kay Defensor, ang mga reklamo kay Bautista ay ‘statement of facts’ dahil ang mga ito ay suportado ng mga dokumento na galing mismo sa City Hall.

“We have documents given by city hall officials and even councilors that will prove that the complaints against the Vice-Mayor are true. So these are not black propaganda. These are statements of facts,” paliwanag ni Defensor.

Samantala, maging si Cong. Mary Ann Susano ay umamin din sa panayam sa telebisyon na may hawak din siyang kopya ng mga kuwestiyunableng dokumento bago pa nakakuha si Defensor.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

7 thoughts on “Bistek, bigo pa ring sagutin ang nalustay na P2.7 B QC Vice-Mayor’s budget

  1. Eh ikaw SANCAI, ano ka ba ni NINOY AT CORYNG MGA HUWAD NA BAYANI, NOYNOY ABNOY at ni KRIS IPOKRITANG LANDI?

    Di ba karugtong ka rin ng makati at sinungaling na dila ni Kris? NAGBUBULAG-BULAGAN KA KASI SA TUNAY NA BAHO NG MGA AQUINO-COJUANGCO. Kaya yang BOBO mong utak hilo na sa kasinungalingan at kaipokritahan ni KRIS

    Bakit ba nagngingitngit ka sa mga against kay NOYNOY ABNOY. Pabayaan mo silang sabihin ang gusto nilang sabihin. Hindi naman sa yo itong website na to ah!

    Wala ka ng ginawa kundi magngakngak dyan. Wala naman pumipigil sa yo kung gusto mong kalabanin si VILLAR. Palibhasa sukol na sukol ka na dahil totoo lahat ang sinasabi nila tungkol sa MABAHONG TINATAGO NG MGA AQUINO-COJUANGCO.

    HA HA HA NOYNOY ABNOY, NOYNOY ABNOY, NOYNOY ABNOY.

    SANCAI HILO, SANCAI HILO, SANCAI HILO, HA HA HA HAAAAAAAH.

  2. Mag-isip tayong mabuti sa pagpili ng magiging presidente natin. Kung dahil lang sa nakipagbreak yong girlriend ni Noynoy eh, nadepress na s’ya, papaano na kung maging presidente na sya? Makakaya ba nyang harapin ang mabibigat na problema? Nagpatingin sya sa psychiatrist noong 1996, nakakasiguro ba tayo na magaling na sya ngayon? Alalahanin natin na isang dahilan ng depression ay genetic, yong sinasabing nasa dugo. Mahirap gamutin ito. Babalik at babalik ito anumang oras na magkaproblema ng mabigat ang pasyente.

    Huwag tayong magpadala sa pag idolo sa isang tao. Presidene o mamumuno ng ating bansa ang hinahanap natin. Nakasalalay sa mga kamay n’ya ang ikabubuti o ikasasama ng ating bansa. Lawakan natin ang ating pag-saliksik at pag-unawa sa katotohan.

    NOYNOY AQUINO IS MENTALLY INCAPABLE TO BECOME PRESIDENT OF OUR COUNTRY.

    IF HE IS MENTALLY INCAPABLE TO GOVERN, THEN WHO WILL DO IT ON HIS BEHALF? MAYBE KRIS AQUINO YAP, MAYBE THE COJUANGCO-AQUINO CLAN THAT ARE ALL CORRUPT, MAYBE THE MAKATI BUSINESS CLUB THAT ARE ALL CORRUPT, MAYBE THE BLACK AND WHITE MOVEMENT THAT ARE ALL TROUBLEMAKERS, MAYBE JOJO BINAY WHO IS ALSO CORRUPT.

    INVESTIGATE, INVESTIGATE, INVESTIGATE. THINK,THINK. THINK. DON’T LET YOUR VOTE GO DOWN THE DRAIN.

    I am not endorsing any presidential candidate. It’s your responsibility to do the right thing for our country.

  3. Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

Leave a Reply

Your email address will not be published.