Bisita ng Misis, Tinangayan ng Dolyar ng Mister

KINUHA ANG mga dolyar ng isang dalaga ng mister ng kanyang tinuluyan sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Sa pahayag ng biktimang si Jena Rosario, 28, ng Bukidnon, Mindanao, nakituloy siya kay Josephine Dezada, nasa hustong gulang, ng Julian Felipe St., ng lungsod, at alas-2 ng umaga ay nagising dahil narinig na nagtatalo ang una at asawa na si Fredo Doldolla, 31.

Sinabi ni Josephine sa biktima na aalis sila ng bahay na naging dahilan upang mag-impake ang biktima dala ang bag na itim.

Nang makita ni Fredo na dala ng biktima ang bag ay agad na inagaw at dinala sa kuwarto at binuksan bago kinuha ang $700 sa pitaka ni Rosario.

Nagmamakaawa ang biktima kay Fredo na ibalik ang kinuha subalit hindi ginawa na naging dahilan upang magsumbong na sa mga pulis si Rosario .

Pinaghahanap na ng mga pulis si Fredo upang mabawi ang pera ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.