Bise Alkalde at Konsehal, Nagsapakan sa Police Station

MARIING PINABULAANAN ni Burgos Sangguniang Bayan Member Joseph Jimenez ang naging salaysay ni S/Insp. Arnel Tabaog, chief of police ng PNP Burgos na siya lamang ang sumuntok kay Vice Mayor Rey Espejo ng Burgos, Ilocos Norte.

Sinabi ni Jimenez na nagpasimula at nanuntok ang bise alkalde ngunit nakailag lamang siya.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay gumanti umano ang konsehal at tinamaan sa nguso si Espejo.

Nangyari ang suntukan ng dalawa nang magka-engkuwentro sila sa himpilan ng pulisya.

Sa naging paliwanag ni Tabaog, unang nagtungo sa PNP Burgos ang bise alkalde upang ipa-blotter ang paghahabol sa kanila ng dalawang lalaki kung saan pinagbantaan siyang papatayin ng mga ito.

Habang nagpapa-blotter dumating naman ang konsehal upang magpa-blotter din ngunit nang papaalis na sana ang vice mayor ay pi-nigilan ni Jimenez at dito na nangyari ang suntukan.

Samantala, ang kapatid ng konsehal na si Brgy. Chairman Jojie Jimenez ay makakalaban ni Espejo sa pagka-bise alkalde sa bayan ng Burgos.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.