Birthday Boy, Namatay Matapos Makipag-inuman

INAALAM NA ng mga pulisya kung may naganap na foul play sa isang birthday boy matapos makitang may bukol sa ulo at nahihirapan huminga sa kalsada sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Joel Villanueva, 42 ng Arty Subd., Karuhatan ng lungsod.

Sa ulat, alas-4 ng umaga nang makitang nahihirapan huminga ang biktima sa Pinalagad, Malinta ng lungsod na naging dahilan upang dalhin sa VGH ng saksing si Jomar Agustin.

Wala rin umanong nakitang kaguluhan si Agustin na papunta sa tindahan upang bumili ng almusal.

Lumalabas na na-kipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan sa Paxton Beerhouse at natapos ng alas-2 ng umaga.

Hindi pa nakuntento sa inom ang biktima at sumama sa kaibigan na si Virgilio Santos sa Pinalagad at nakailang bote pa bago inihatid sa sakayan ng tricycle ni Santos hanggang sa makitang nahihirapan huminga.

Inaalam na ng mga pulis kung may pumukpok sa ulo o baka dahil sa kalasingan ay natumba at tumama ang ulo sa semento ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.