Birheng lumuluha ng dugo, may bagong himala

PINANINIWALAAN NA nagpakita ng bagong himala ang rebulto ng Birhen sa Fatima na lumuha ng dugo sa Barangay Tisa, Cebu City.

Ayon sa may-ari ng naturang rebulto na si Jun Rayla, bumisita ang tatlong babae sa kanilang pamamahay na sinasabing galing sa Talisay City upang personal na makita ang nasabing imahe.

Hinalikan ng tatlong babae ang semento kung saan nakapatong ang rebulto ng Birhen nang diumano’y biglang nagliyab ang dalawang kandila na dahilan ng pagkatunaw nito at naging tubig.

Dagdag pa ni Jun na bago umalis ang nasabing mga deboto ay nagbilin pa ito sa mga tao na magsisi na sa kanilang mga kasala-nan.

Samantala, patuloy ang pagbisita ng mga deboto sa naturang lugar upang makita ang Birhen habang inoobserbahan pa ng pamunuan ng Simbahan ang nabanggit na pangyayari bago ito ikonsidera na isang himala na galing sa Maykapal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.