Birhen ng Guadalupe sa Cebu, Pinagnakawan

TINANGAY ANG mga alahas ng imahen ng Birhen ng Guadalupe sa Cebu.

Sinabi ng isang janitor na nawawala rin ang donation box na nakapatong sa harapan ng imahen sa Mabolo Parish Church.

Ayon sa guwardya, wala siyang kakaibang napansin nang magronda sa nasabing simbahan.

Nakita na lang niyang sira na ang gilid ng salamin na kinalalagyan ng imahen ng Birhen.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat  sa nasabing pagnanakaw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.