BIR, Walang Tina-target sa Bagong Resibo

PINABULAANAN NG Palasyo na may sini-single-out si BIR Commissioner Kim Henares hinggil sa expiration ng mga lumang resibo hanggang Agosto.

Maraming negosyante ang umaalma dahil nakapag-imprenta na sila ng kopya hanggang sa ilang taon at kailangan na namang kumuha ng bago.

Ilan ang nagrereklamong tina-target ang mga nagbabayad ng tamang buwis habang marami naman ang mga tax evaders kahit sa mga malaking pamilihang hindi nag-iisyu ng resibo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bahagi lamang ito ng hakbang ng BIR para mapataas ang koleksyon sa buwis.

Sinabi ni Valte na hindi rin ito dictatorial dahil pumayag nga itong palawigin mula June 30 hanggang sa Agosto ang deadline.

“It’s not that Commissioner Kim is targeting any specific or singling out any particular group. These are part of the steps that she and the Bureau have been taking to make sure na tumataas naman ‘yung tax collection ho natin, at tumataas ‘yung tax compliance po natin. So far it be from being dictatorial, she has, in response to the comments that various agencies have been getting, in-extend naman po niya ‘yung deadline. So I understand that there is a certain number,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.