BIR, Sinupalpal ng Malacañang sa SALN ng Mambabatas

MISMONG ANG Malacañang ang nagpahiwatig na walang karapatan si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na ipa-submit sa kanyang ahensiya ang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng mga mambabatas.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na co-equal branch ng Kongreso ang Executive branch kung saan nasa ilalim naman nito ang BIR kaya hindi maaaring obligahin ni Henares ang mga mambabatas na magsumite ng kani-lang SALN.

Ayon pa kay Valte, kung sino man ang nagnanais makakuha ng kopya ng SALN ng mga congressmen ay maaa-ring hingin ito sa House of Representatives.

Inihayag ni Henares na wala pang congressman ang nagbibigay ng kopya ng SALN sa BIR kahit pa hiniling na ito sa House secretary general.

Samantala, sinabi rin ni Valte na maaaring tingnan kung ang buong House of Representatives ang hinihi-ngan o ilang partkular na mambabatas lamang na posibleng hind pa nakapagsusumite ng SALN.

“Tingin ko hindi po kasi ‘yung buong Mababang Kapulungan naman ‘yung hinihingan or ‘yung kinukunan po ng BIR. Siguro po nagkataon na ‘yung mga nandoon sa listahan ay either hindi pa ho nabibigay or wala. But, ano po ‘yan, being a co-equal branch of government, I’m sure that the House leadership will do something about it,” ani Valte.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.