BIR, Nagpaliwanag sa Top Taxpayers List

IPINALIWANAG MISMO ni BIR Commissioner Kim Henares kung bakit wala sa Top 10 na may pinakamataas na binayarang buwis ang mga kilalang bilyonaryo sa bansa noong taong 2011.

Ayon kay  Henares, hindi na maaaring makasama sila sa listahan dahil ang buwis sa mga kinita gaano man kalaki ay naisama sa witholding tax at hindi kailangang maghain ng income tax returns.

Sinabi ni Henares na ang mga buwis ding binayaran sa kinita mula sa interes sa bangko at mga dividends sa iba’t ibang invesments ay hindi kasama sa tinatawag na income tax returns na basehan ng BIR list.

Maaalala na base sa listahan ng BIR, nangu-nguna sa mga taxpayers noong nasabing taon si Kris Aquino na nagbayad ng halos P50 milyon.

Pero ang mall tycoon na si Henry Sy, Sr., may-ari ng SM at Banco de Oro na siya ring pinakamayamang indibidwal sa Pilipinas base sa Forbes magazine ay pang-15 lamang sa BIR list habang ang kanyang anak na si Hans Sy ay pang-22  at pang 83 naman si Teresita Sy.

Ang isa pang bilyonaryo na ri Lucio Tan, ‘second richest in the Philippines’ ng Forbes ay pang-35 na nagbayad ng P10.78 milyon income tax, mas mababa pa sa binayaran ng kanyang abugadong si Estelito Mendoza na pang-14 sa binayarang P 17.63 milyon.

Samantala, ang iba pang business tycoons na sina Enrique Razon, Jr., kilalang shipping at hotel magnate ($4.9 bilyon), Andrew Tan ng Megaworld Corporation at Emperador Distillers ($3.95 bilyon), George Ty ng Metrobank ($2.6 bilyon), Lucio at Susan Co ng Puregoold ($2 bilyon), Robert Coyiuto, Jr. ng Oriental Petroleum and Minerals Corp. ($1.6 bilyon), Tony Tan Caktiong ng Jollibee Food Corp. ($1.4 bilyon), Andrew Gotianun ng Filinvest ($1.2 bilyon) at Roberto Ongpin ng Alphaland Corp. ($1.2 bilyon) ay wala sa listahan ng BIR.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.