BIR, NAGDAGDAG NG P.5-M PARA MADAKIP ANG KILLER NI RDO YAP

RIZAL – INIHAYAG NI Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto na nagdagdag pa ng kalahating milyong pabuya ang central office ng  Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa makapagtuturo ng kinaroroonan ng killer ni Revenue District Officer Marcelino Yap.

Ayon kay Prieto ang impormasyon ay ipinarating sa kanya ni PRO-4 Regional director P/C. Supt. Samuel Pagdilao matapos na maglaan si BIR Commissioner Kim Henares ng halagang P500,000 para sa ikadarakip ni Armando Carino alyas “Manding”.

Ang nasabing halaga ay dagdag sa naunang P300,000 na inialok ng pamahalang lungsod ng Antipolo at mga kaibigan ni Yap ilang araw matapos ang pamamaslang.

Matatandaan na si Yap ay pinagbabaril ng suspek habang naglalakad sa tapat ng L and M Grills na matatagpuan sa Marcos Highway, Brgy. Mayamot, Antipolo City noong Pebrero 17, 2011 ganap na alas-8:45 ng umaga ilang metro ang layo sa kanyang tanggapan.

Natukoy naman ang mga suspek matapos na maiwan ang get away motorcycle nang banggain ito ng driver ni Yap habang papatakas at ngayon ay nasa pag-iingat ng pulisya ang pamangkin ni Armando na si Andy.

Ayon pa kay Prieto patuloy ang kanilang isinasagawang operation para madakip ang suspek na hinihinalang nagtatago sa lalawigan ng Cavite. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.