BIR: Lumang resibo, P’wede Pang Gamitin Hanggang Oktubre

SA IKALAWANG pagkaka-taon, muling pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang itinakdang deadline para sa mga negosyante kaugnay sa paggamit ng bagong resibo.

Sa ilalim nang bagong BIR Circular 52-2013, nakasaad na puwede pang magamit ng mga business establishments ang kani-lang mga lumang resibo hanggang Oktubre 31, ito ay mula sa dating August 30 na deadline.

Sinabi ni BIR Chief Kim Jacinto-Henares na ito ay para mabigyan nang sapat na panahon ang mga negosyante na makapag-imprinta ng bagong receipt form.

Samantala, tinukoy pa ng opisyal na mayroong mahigit 2,000 akreditadong printers ang BIR sa buong bansa na maaaring puntahan ng mga negosyante.

Matatandaang sa ipi-nalabas na BIR regulations, ang mga lumang resibo ay magagamit na lamang hanggang June 30 at pinalawig ito hanggang buwan ng Agusto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.