BIR, kinalampag ang DoJ sa tax cases

PINARERESOLBA NI Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares sa Department of Justice ang mga naisampa nitong kaso sa nasabing ahensiya dahil ang anumang pagbagal sa pagkilos sa mga kaso ay na-ngangahulugan ng malamyang anti-tax evasion drive ng gob-yerno.

Sinabi ni Henares na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanyang mga tauhan sa kanilang mga counterparts sa DOJ para sa mabilis na pagkilos sa mga naisampa nilang kaso.

Ang mabilis na paglutas aniya sa mga naisampang kaso sa nasabing ahensiya ay magbibigay-daan sa kanila na magkaroon ng matinding kapangyarihan laban sa mga nandaraya sa pagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Mula taong 2010, ang BIR ay may 207 tax-evasion cases na naisampa sa DOJ na karamihan ay naka-pending at hindi man lamang nairerekomenda sa a-linmang korte na masampahan ng kaukulang kaso.

Lumalabas naman sa pagtaya ng World Bank, nawawalan ang gobyerno ng P450 bilyong kita sa isang taon dahil sa tax evasion.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.