BIR, ‘Di Naabot ang Target na Koleksyon

SA HARAP ng linggo-linggong pagsasampa ng kaso laban sa mga tax evaders, bigo pa rin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na maabot ang tax collection target para sa buwan ng Mayo.

Base sa report, kinulang umano ang ahensiya ng 2.8 porsyento upang maabot ang P115.12 bil-yong koleksyon ng buwis.

Samantala, mas ma-taas ng 18 porsyento ang nakolektang P111.9 bil-yong tax revenues nga-yong Mayo 2013 kumpara noong Mayo 2012.

Umabot lamang sa P109.51 bilyon ang koleksiyon ng BIR nga-yong buwan sa kanilang operations samantalang ang non-BIR operations ay umabot sa P2.39 bilyon na mas malaki pa rin ng 4.57 porsyento kumpara noong nakaraang taon.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.