BIR Commissioner Henares, inireklamo sa Ombudsman

SINAMPAHAN NG reklamong kriminal at administratibo sa Ombudsman si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares.

Lumalabas sa natu-rang reklamo ni Othello Dalanon, dating Revenue Officer 2, nabigo si Henares na singilin ang isang kumpanya ng P1.56 bilyong deficiency tax assessment noong 2007.

Sinabi ng abogado ni Dalanon na si Stephen Cascolan na sangkot din sa akusasyong grave misconduct at gross neglect of duty si BIR Deputy Commissioner Estela Sales.

Ayon kay Dalanon, nag-resign na siya noong Hunyo 24, 2013 matapos madiskubre ang mga iregularidad sa ahensya.

Inihayag naman ni Henares na handa siyang harapin ang nasabing reklamo laban sa kanya.

Kumpiyansa siyang madedepensahan ang sarili dahil si Dalanon aniya ang nagkamali sa komputasyon.

Lumapit na aniya sa kanya ang kumpanya at iginiit na hindi kapani-paniwala ang malaking assessment ni Dalanon kaya ipina-audit niya ito sa dalawang team.

Lumitaw aniya sa parehong audit na sobra ang kwenta si Dalanon.

Binanggit naman ni Cascolan na nagpadala na rin ng liham si Dalanon kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III para atasan ang BIR na singilin ang umano’y P1.57 bilyong deficiency tax assessment.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

2 thoughts on “BIR Commissioner Henares, inireklamo sa Ombudsman

  1. Take note of Mr. Othello Dalanon’s audit findings mentioned in his letter dated March 16, 2014 to His Excellency President Aquino.

    “GDI’s Sales reflected in the said registered books was Php 1,928,770,398.68 while the amount declared in its AITR was only Php 1,031,528,917.00, or a substantial discrepancy (under-declaration) amounting to Php 897,241,481.68.”

    I strongly believe that Mr. Dalanon’s audit findings were correct, because according to the SUPREME COURT in the case of Paper Industries Corporation of the Philippines versus Court of Appeals, et al., 250 SCRA 434 that, books of accounts PREVAIL over the return when it reflects HIGHER sales, because it is kept and prepared under CONTROL by the taxpayer and thus are ADMISSIONS against interest.

    So ano ang sinasabi ni Kim Henares na mali?

  2. Pingback: BIR Commissioner Henares, inireklamo sa Ombudsman - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.