Binulungan ng demonyo; lalaki, nang-rape ng paslit

 

IGINIIT NG isang lalaki na isang demonyo ang nagbulong sa kanya kaya naman ginahasa ang isang paslit sa General Santos City.

Sa salaysay ni Berto Geraldo, ng Barangay Calumpang, wala sa kanyang pag-aakala na gawin niya ang kahalayan subalit isang tinig ang kanyang naririnig at paulit-ulit na inuutusan siya na gahasain ang siyam na taong gulang na batang babae.

Lalo pa anIyang umigting ang kanyang pagnanasa nang sumama sa kanya ang biktima.

Dinala ni Geraldo ang bata sa damuhang bahagi ng Barangay Bawing at doon ginawa ang panggagahasa sa bata.

Kaugnay nito, agad ding nahuli ang suspek at kahapon ay isinampa na ang kaso laban sa kanya.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Binulungan ng demonyo; lalaki, nang-rape ng paslit

Leave a Reply

Your email address will not be published.