Binuking kasi na may dyowa na ang Thai heartthrob Erich Gonzales at Mario Maurer, nawalan agad ng magic!

MAGTATAPOS NA ANG 100 Days To Heaven, patuloy na minamahal ng mga tao si Budoy, si Kim Chiu naman ay sobrang haba ng hair sa dami ng guys na umaaligid sa kanya, at nahanap na ba ang nawawalang si Elisa?

Hay, naku, wala lahat ‘yan. May bagong kinababaliwang teleserye ng totoong buhay ang mga tao ngayon. Isang teleserye na ang dami-daming titles, pero iisa lang ang itinatakbo ng kuwento.

Ang mga pamagat: “Nasaan Ka, Ramona?” “Magkakapatid,” “Bilanggong Heartthrob.”

 

PROMISE, GUSTO NAMING maawa sa pinagdaraanan nga-yon ni Genelyn at ng kanyang mga anak. Pero araw-araw, nagsasanga-sanga ang mga kuwento. Imbes na ma-focus lang ‘yung simpatiya kay Ramgen, parang iba ang gustong malaman ng mga tao ngayon.

 

Ang gusto nilang malaman ay kung sino talaga ang mastermind ng pagpaslang kay Ramgen?

Sangkot ang magkapatid na Mara at RJ. Si Mara, tumakas na patungong Turkey. Si RJ, nakapiit sa Parañaque City Jail. Sila ang itinuturong mastermind.

Habang si Sen. Bong na una pa lang ay nandiyan na para tulungan silang mag-iina, eh napasama pa ang genuine niyang pagtulong sa mag-iina. Binigyan pa ng ibang kahulugan.

Kaya me mga friends kami, after mapanood si Genelyn na nagsasalita sa TV against Bong Revilla, isa lang ang sinabi, “Me kundisyon ba si Genelyn?”

Sana nga, wala.

Pero according to Lyn Madrigal, ang apo niyang si Ramona Bautista ay babalik sa Pilipinas, “In God’s time.”

Gamit na gamit na si Lord. Sana, kung ga-gamitin man si God, sa kabutihan at pag-asa. Hindi para lang makapang-echos.

 

GAGAWA NG MOVIE si Erich Gonzales at ang Thai heartthrob na si Mario Maurer under Star Cinema. Pero sa panayam ni Erich sa The Buzz nu’ng Linggo, kahit pa ipinilit ni Charlene Gonzales, naisiwalat tuloy ni Erich na meron silang common friend ni Mario.

According to their common friend, merong Thai girlfriend si Mario, kaya imposible siyang ma-in love dito. Suddenly, It’s Magic pa naman ang title ng movie nila. Nawala tuloy ang “magic”.

 

UNKABOGABLE NA TALAGA si Vice Ganda, dahil siya na ang First Filipino na naka-reach ng 3.6 million likes sa kanyang fanpage, ang kanyang pelikulang Praybeyt Benjamin ang pinakaunang pelikulang nag-reach ng P300M.

Kung naka-P280M ang No Other Woman,  ang forecast ay baka umabot sa P350-P400M ang total gross ng Praybeyt Benjamin, kaya si Vice ay nape-pressure na.

“Juice ko, sana naman, sa susunod na movie ko, ‘wag namang mag-expect ang mga tao na kailangan kong kabugin ang ‘Praybeyt Benjamin,’ dahil juice ko, sa hirap ng buhay ngayon, masaya na po akong maka-P200M lang, pero sobra-sobra pa ‘yung ibinigay sa akin.”

Kaya naman me show si Vice sa Metro Bar (West Avenue) sa November 18. Ni singkong duling ay wala siyang kukunin, dahil ang kikitain niya ay pag-hahatian ng ChildHaus Foundation at ng mga pasyente ng breast cancer sa Philippine Foundation For Breast Care, Inc.

“Sa sobrang blessed ko naman, dapat lang na i-share ko ito sa mga nangangaila-

ngan.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

20 thoughts on “Binuking kasi na may dyowa na ang Thai heartthrob Erich Gonzales at Mario Maurer, nawalan agad ng magic!

  1. Erich fan ako pero hnd aq against kay kim dahil ok rin naman sya pero mas gusto ko lang si talaga si erich.
    pero tanong ko lang, kung sinasabi ng iba na hindi xa sikat at si kim super sikat, bakit sya ang sinasabi na karibal ni kim- kasi kahit anu kasikat si kim meron pa rin syang katapat.
    kahit nga ata kayo na mga fans ni kin, di nyo man maamin pero sya ang kinikilala na karibal ni kim.
    cge nga, kung di sikat si erich, bakit nyo sya kilala at nilalait at sinsabi na mas magaling, maganda at si kim?
    kasi kahit kau feel na feel nyo rin yung rivalry nila.

  2. haler its better to be truw dan to be bitter noh! hnd nya lang inapaasa ang mga fans duh!! hindi magaling? bat cxa ang napili? hahahaha ang joke ka ba.. cge kaw mag produce nagmamarunong ang iba kayu mag produce ha?? ang galing nyu kasi

  3. alam nyo mga inggit lng kayo eh nu ? ang bitter nyu kc ! MAS MAGANDA NG MAGING HONEST KESA MAGING SINUNGALING TANDAAN NYO YAN ! AT FYI ! SA MGA NAG SASABING HINDI MAGALING UMARTE SI ERICH ? HALER TAE MGA BULAG BA KAYO ? O MGA LOWER CLASS LNG TLGA ANG TASTE NYU?? HAHA KAKATAWA KAYO ! TSKA UNG SNASABI NYUNG DI SIKAT SI ERICH ? HAHA PATAWA NMN OH ??? SIKAT SI ERICH ! MARAMI ANG BLESSING NA DUMARATING SA KNYA KC MABAIT SYA AT VERY HUMBLE ! VERY TRUE SA SARILI !

  4. @ GIL di mo alam tumingin ng magaling umarte. at sang planeta ka ba at di mo alam kung gano kasikat si erich? hay mga tao nga naman walang magawa sa buhay kundi makialam sa buhay ng may buhay.

  5. Most Number of Fans:
    1. Sarah Geronimo
    2. Kim Chiu
    3. Angel Locsin
    4. Erich Gonzales
    5. Anne Curtis
    kimerald ako pero yan ang opinion ko., puro kapamilya ang ngtop

  6. If there is one teleserye that is now worth following it would be Budoy. Gerald is so affecting as Budoy and Janice fit the role perfectly. Ako Budoy!! Be Happy Be Budoy!!

  7. haay naku tanggalin nyo mga inggit sa katawan nyo imbes na suportahan ung kapwa pilipino ,..puro kyo ka negahan–!!katulad ni nega..magaling dw umarte si kim chiu…parang natatae nga kung umiyak at lukot na lukot ung mukha obvious tuloy na puro RETOKE ANG MUKHA NYA!!HAHAHHA at ikw ogie bakla!!mas mabuti ng nagsasabi ng totoo dahil alm naman ng madlang pipol na may gf si mario!!at hindi na tanga mga tao ngaun..alm nila kung may gumigimik lng ang artista para kumita ang movie nila..mas mabuti ng honest kesa puro kasinungalingan lng ang sasabihin…MAHIRAP MA KARMA!!!GETS!! MGA BOBO!!

  8. sawa na siguro star cinema kakagawa ng blockbuster movies umaapaw na pera kaya gagawa ng movie na cguradong flop sana di na nag aksaya starcinema pagkuha ng 1 starlet na foreigner mario maurer para itambal pa sa isang starlet na si erich pwede namn sila kumuha n lang artista sa GMA cgurado flop n movie

  9. nega huwag ka na magkunwari,,chosera ka naman halata namang maka kim ka niloloko mo sa sarili mo,,,at sa tutoo lang mas may lalim ang arte ni erich kesa kay kim,,ask mo yung mga direktor^_^

  10. diretsahan walang halong pacute at pagpapa asa . ang importante susuportahan ng mga fans nila. di kailangan magsinungaling na maging sila dahil tama nga naman may gf ang tao. pangit nga naman kong iba ang sasagot niya. kong alam naman niya ang totoo sinagot niya ng totoo ang tanong ni charlene g.

  11. sino may sabing nawalang ng magic? oa naman, yon siguro mga fans na di makapag move on kasi di napili ang idol nila ang nawalan umpisa pa lang. pero kaming mga fans ni erich at mario ganadong ganado kami. kong pwede nga lang bukas mapanuod na namin ang movie nila.

    bagay na bagay si erich at mario. parehong biniyayaan ng natural na mukha maganda at gwapo. inggit na lang ang mga nagsasabing di sila bagay. maglaway kayo.

  12. HINDI BAGAY C ERICH K MARIO MAURER KC MUKHA CLANG MAG-ATE. TSAKA WALANG APPEAL ANG PAGMUMUKHA NI ERICH. DAPAT C KIM CHUING KALANSAY ANG I-PARTNER K MARIO KC MUKHANG BAGAY CLA.

  13. hellllllllllllllooooooooo!!! matagal ng alam ng mga fans ni mario maurer na may girlfriend na sya! love of siam pa lang yun na ang gf nya!

  14. DI AKO MAKA ERICH DI AKO MAKA KIM PERO AS A VIEWER PAREHO SILANG MADALING UMIYAK PERO SA LAHAT NG SERYR OR MOVIE PERO BAKIT SI ERICH DI MO MARAMDAMAN NA MAIIYAK KA RIN SA EKSENA NYA UNLIKE KIM NA SABAY KA RIN NA IIYAK SA KNYA..

  15. o sige sa ikaliligaya mo ng lubos, sabi nga ni ogie diaz, nawala na tuloy ang “magic” kung ayaw mo ng semplang…happy ka na…

  16. Hurry….hurry nmn agad me conclusion n agad-agad!!!?? Dp man ngka2movie e2 oh me issue n sumemplang daw hahahah!!!! d yta alam meaning ng semplang…

Leave a Reply

Your email address will not be published.