Biniro ng mister na hihiwalayan na
Buntis na misis, nagbigti

PATAY ANG isang buntis na misis matapos magbigti kasunod ng pagbibiro ng asawa nitong hihiwalayan na siya.

Gamit ang extension wire, nagpatiwakal si Michelle Odebilas, 21-anyos na ilang buwan na ring buntis sa basement ng bahay ng amo sa Project 3, Quezon City.

Alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Odebilas na 10 araw pa lamang namamasukan bilang kasambahay.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng Criminal Investigation ang Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD), nadiskubre ang palitan ng mga text messages ng biktima sa kanyang asawa at ina nito na nasa Guiuan, Eastern Samar.

Biniro umano ng kanyang asawa ang biktima na hihiwalayin na niya ito. Dahilan upang posibleng na-depress ito at nagpa-kamatay.

Nagawa pa umano ni Michelle na makapag-text sa kanyang ina kamakailan ng alas-8:29 ng umaga at naglalabas ng sama ng loob sa asawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.