Binigyan kasi ng lubos na tiwala
Toni Gonzaga, ‘di nagrebelde sa mga magulang

KAPAG TINUTUKAN mo si Sarah Geronimo sa kanyang programang Sarah G. Live! tuwing Sunday sa ABS-CBN, laging mayroong parte ng show na pahapyaw siyang nagsasalita tungkol sa pag-ibig na kapupulutan siyempre ng aral ng mga kabataan, ganu’n din naman ng hindi na mga kabataan, na marunong magpahalaga sa salitang pagmamahal. Na kung ikaw ay nagmahal, baka naranasan mo na ang lumigaya at ang masaktan.

Kaya lang, parang kung kay Sarah manggagaling lagi ang mga salitang iyon, napapa-teka naman ang marami. Kung ang mga salita tungkol sa karanasang magmahal, ke nasaktan ka o lumigaya, mas nakabibilib siguro kung ang mga salita ay manggagaling sa mga katulad nina Sharon Cuneta, Vilma Santos at Judy Ann Santos na nakaranas magmahal, na lumigaya, bumagsak at muling nakabangon sa mga pakikipagrelasyon na kanilang pinagdaanan.

Kamakailan, ang mga sinabi ni Sarah ay para lang niyang inulit ang litanya sa kanya ni Mommy Divine Geronimo nu’ng biglang mabulilyaso ang ligawan nila ni Gerald Anderson. Na huwag daw magmadali, dahil darating din ang tamang tao na magmamahal. Maling tao si Sarah para magsalita tungkol sa pag-ibig, samantalang siya nga mismo ay walang maipagmalaking pakikipagrelasyon, dahil puro udlot, bitin at pagmamahal na walang paninindigan ang naranasan niya.

 

ISANG MAGANDANG patotoo si Toni Gonzaga ng isang anak na hindi nagrebelde nu’ng mga panahong ipinagtutulakan na siya ng kanyang mga kaibigan para magkaroon ng pakikpagrelasyon, para maranasan na nga niya ang magkaroon ng boyfriend. Kasi nga, bukod sa busog siya sa pangaral ng kanyang mga magulang tungkol sa kung kailan ang tamang panahon ng pakikipagligawan, may direksiyon din si Toni na sinusunod kung kailan niya gustong makipagligawan.

Ipinagkaloob kasi nina Mommy Pinty Gonzaga at ng daddy ni Toni ang lubos na pagtitiwala sa magaling na TV host tungkol sa pagtupad sa kanyang mga pangarap. Nu’ng makapasok na si Toni sa showbiz, tinarget niya talaga na mapatunayan muna ang kanyang sarili dahil nakukulangan pa siya sa dating kasikatan na meron siya. Alam niyang may ibubuga siya, kaya wala siyang paki kung hindi muna siya magka-boyfriend noon, basta’t career muna ang uunahin niya.

Napatunayan na ni Toni ang kanyang sarili sa showbiz. Five years na niyang karelasyon si Direk Paul Soriano. Hindi na lang siya kilalang TV host, kundi patok din siyang magbida sa mga teleserye at pelikula. Sa katunayan, bida na naman siya sa pelikulang This Guy’s In Love With You, Mare ng Viva Films at Star Cinema. Pero kahit kaya nang tumayo ni Toni sa kanyang mga sariling paa, dahil milyonarya na siya, naroon pa rin ang respeto niya sa kanyang mga magulang bilang masunuring anak.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Binigyan kasi ng lubos na tiwala
Toni Gonzaga, ‘di nagrebelde sa mga magulang

  1. korek kaya nga hindi dapat inidolo si sarah geronimo kasi mukha silang pera at hindi naman totoo mabait .katulad rin yan ng kanyang ina. sobra na ang kayabangan lalo na ang mader nya. kaya mga fans sana pumili kayo ng totoo tao huwag nyo idolohin ang isang manggagamit na tulad nila. well may karma namn yan eh.

Leave a Reply

Your email address will not be published.