Binayug, Inilipat na sa Manila City Jail

INILIPAT NA ng kulungan si dating Senior Inspector Joselito Binayug, ang dating Pulis-Maynila na nakuhanan ng video habang tino-torture ang isang suspek sa loob ng presinto.

Mula Kampo Crame, dinala na sa Manila City Jail si Binayug matapos magpalabas ng commitment order si Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 1 Judge Tita Alisuag.

Una nang humarap sa arraignment si Binayug kamakailan kaugnay sa pagmamaltrato sa isang nahuling salarin  ng pagnanakaw.

Dahil tumangging magpasok ng plea, korte ang naghain ng not guilty plea para kay Binayug at itinakda ang hearing sa Hunyo19.

Samantala, makakasama ni Binayug sa Manila City Jail sina PO3 Rodolfo Ong at pamangkin na si PO1 Nonito Binayug na una nang nahuli dahil din sa paglabag sa Republic Act 9745 o Anti-Torture Act of 2009.

Maaalala na nitong Lunes, nadakip si Binayug habang nagpapa-renew ng lisensya sa Tayuman.

 (PARAZZIREPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.