Binay, Santiago pinuri ang pagbuo ng bagong dog club

PINAPURIHAN NINA Vice President Jejomar Binay at Sen. Miriam Defensor-Santiago ang  pagkakatatag  ng Metropolitan Manila Kennel Club, Inc. (MMKC), ang pinakabagong  affiliate club ng Asian Kennel Club Union of the Philippines, Inc. (AKCUPI).

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Binay na siya’y natutuwa sa bagong club at inaasahan niyang ang unang All-Breed Championshiop Dog Show nito sa Linggo, Hunyo 3 sa Tiendesitas en Frontera Verde sa Ortigas Ave. at  E. Rodriguez Jr. Ave. (C-5), Pasig City ay magsisilbing venue para pangalagaan ang registration ng purebred dogs sa Metro Manila at higit sa lahat ay proteksyonan ang animal rights at responsible pet care. Sa kabilang dako, sinabi naman ni  Santiago, na binabahagi niya sa grupo ang kanyang pagmamahal sa “our four-legged friends, and it is a love that inspired me to file legislative measures advocating animal rights.” Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng animal safety at welfare at responsible pet ownership.

Ang dog show, na kapwa inorganisa nina MMKCI chairman/president Jester Jo Ong Chuan at secretary Aldrin John Balita, ay huhusgahan ng tatlong judges, isang tiga Hongkong at dalawang Pilipino. Sila’y sina Sam Tsang ng Hongkong, Mike Buenaflor at Jester Jo Ong Chuan. Si Tsang ay isang  international all-breed judge ng Hong Kong and China Dog Lovers Association na nag-breed at nagpalabas ng maraming breed para maging kampeon at nanalo ng 30 Best-in-Show at Reserve Best-in-Show, 60 Best in Group at mahigit sa 200 Challenge Certificate  awards. May judging stints siya sa Thailand, China at Pilipinas. Si Buenaflor ay isang international German Shepherd specialty judge at  international all-breed judge na lisensyado ng AKCUPI, Kennel Club of Asia, at Federacion Canina International (FCI-Spain), licensed ring steward para sa German Shepherd Seiger shows at all-breed shows na may higit na dalawang dekada ng breeding at exhibiting Rottweilers, Dobermans, Boxers, Labradors, St. Bernard’s, English at  Neopolitan Mastiffs, Anatolian at German Shepherds. Isang certified dog rescuer na sinanay ng International Fund for Animal Welfare, si Buenaflor ay consultant ng Animal Kingdom Foundation at board member ng German Shepherd Dog Federation of the Philippines. Si Ong Chuan, licensed international all-breed judge ng AKCUPI, ay nagsimula sa mundo ng aso sa murang edad, sa mga breeds na tulad ng Saint Bernard’s, Shit-Tzus, Collies, and German Shepherds. Kasama ang kanyang mga magulang, nag-breed siya ng American Cocker Spaniel in the Philippines sa ilalim ng kennel ST JOE’s, na nakapagpalabas at nakapagkampanya ng mahigit sa 50  champions, karamihan ay local breeds. Kasalukuyang pangulo ng  American Cocker Spaniel Club of the Philippines (ACSCP), si Ong Chuan ay nakahusga na sa Pilipinas, Malaysia, South Korea, Union of  Myanmar, at People’s Republic of China.

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.