Binay, ni-reject si Jinggoy

TINANGGIHAN NI Vice-President Jejomar Binay ang alok ni Sen. Jinggoy Estrada na pangunahan na lamang ang partido na Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) matapos nitong tumiwalag sa PDP-Laban.

Ipinaabot naman ng bise-presidente ang kanyang pasasalamat sa senador sa alok nito.

Si Estrada ang tumatayong pangulo ng PMP.

Aniya, tuloy ang kanilang balak na pagbuo ng bagong partido. “Nagpapasalamat ako kay Senator Jinggoy, pero ang direksyon talaga namin ay makapagtayo ng bagong political party.”

Inamin din ni Binay na kabilang sa desisyon sa pagbuo nila ng bagong partido ay dahil palagi na lamang daw hindi sila magkasundo sa PDP-Laban na pinamumunuan naman ni Sen. Koko Pimentel.

“Ikinalulungkot naming sabihin na dysfunctional na, lagi na lamang kaming hindi magkasundo, Ayoko naman na mapunta pa sila roon na mag-break up pa,” dagdag pa ng pangalawang pangulo.

Una nang sinabi ni Estrada na handa niyang ibigay ang kanyang posisyon sa PMP kung interesado si Binay.

Inihayag pa ng mambabatas na handa rin ang PMP na makipag-alyansa sakaling makabuo ng panibagong partido ang bise-presidente.

“Well, iyong PMP (Pwersa ng Masang Pilipino) naman will always be supportive of Vice President Binay. Whether he forms his own political party, I think the PMP will merge with his new political party. But ako naman as President of the PMP, I am offering him my position as President of PMP if ever he wants to join our political party,” dagdag pa ni Estrada.

Nananatili raw ang suporta ng senador kay Binay dahil sa malaki ang tiwala nitong mananalo ito bilang presidente sa dara-ting na 2016 elections.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.