Binay, Nagkasya na sa Pabahay

PORMAL NANG NANUMPA si Bise-Presidente Jejomar Binay bilang bagong chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council sa Malacañang kahapon.

Maliban sa isang photo opportunity, hindi binuksan sa media ang panunumpa ni Binay sa harap ni Pangulong Benigno Aquino III, kung saan kasama ng bise-presidente ang kanyang pamilya.

Matapos ang panunumpa sa tungkulin, kaagad na sumama sa iba pang miyembro ng official family sina Aquino at Binay para sa isang Cabinet meeting.

Bilang chairman ng HUDCC, si Binay ang mangangasiwa para matiyak na maisasakatuparan ng gobyerno ang National Shelter Program nito, ayon sa isang statement mula sa Malacañang.

Kabilang sa magiging gawain ni Binay ang pagrerekomenda ng mga bagong batas at pag-amyenda sa kasalukuyang batas kung kinakailangan para maabot ang layunin ng gobyerno sa pabahay.

Nauna rito, hayag sa publiko ang kagustuhan ni Binay na pamunuan ang Department of Interior and Local Government, pero ibinigay ito ni Aquino kay dating Naga City Mayor Jesse Robredo.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Binay, Nagkasya na sa Pabahay

  1. 700K ang lamang ni binay sa bilang. pero 3 milyon pa ang di nabibilang lahat yun galing sa mga teritoryo ni MAr. Hmmmm kinakabahan na si Binay

  2. matatanggal ka na dyan sa pagka-VP Binay hahaha! pag nabilang ang null votes lalabas din ang totoo, si Mar ang tunay na nanalo. belat na lang sayo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.