Binay, Irerespeto ang Desisyon ni Koko

NIRERESPETO NI Vice President Jejomar Binay kung magdesisyon mang lisanin ni Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel ang United Nationalist Alliance (UNA).

“Whatever is his decision, we will respect it,” pahayag ni Binay matapos na magsalita sa pagbubukas ng Asia-Pacific Scout Regional Management Meeting sa Makati City.

Sinabi pa ni Binay na nagkita sila ni Pimentel sa ginanap na traditional vin d’ honneur sa Malacañang noong Martes subalit hindi nila napag-usapan ang tungkol sa nasabing isyu.

“Base sa mga nababasa at napapanood ko, mag-uusap kami ni Senator Koko. Wala naman kaming dahilan para hindi mag-usap,” ayon kay Binay.

Inamin rin ng Bise Presidente na maayos ang relasyon nila ng senador.

“Lagi kong sinasabi na ‘yung pagka-Mayor ko ay utang ko kay Nene Pimentel,” dagdag pa ni Binay.

Samantala, nakapag-desisyon na si Pimentel at pinili nitong manatili sa United Nationalist Alliance (UNA) sa kabila ng pag-alma sa ginawang pagsama ng kowalisyon sa kanilang senatorial ticket ang mahigpit nitong karibal na si resigned Sen. Juan Miguel Zubiri.

Matapos magbanta na kakalas sa partido, inihayag kahapon ni Pimentel na kanya umanong isasalba ang kanyang membership sa UNA.

Matatandaan na mahigpit na tinutulan ng mambabatas ang pagsama ng kowalisyon kay Zubiri sa lineup, dahil ito umano ang nakinabang sa malawakang dayaan na nangyari noong 2007 elections.

Una na ring pinayuhan ni dating Pangulong Joseph Estrada si Pimentel na dapat ay matuto na itong magpatawad.

Ang UNA ay binubuo ng partidong PDP-Laban at Puwersa ng Masang Pilipino ni Estrada.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.