Binay, ‘di interesado sa iniwang puwesto ni Robredo

HINDI UMANO interesado si Vice President Jejomar Binay sa naiwang puwesto ni da-

ting Secretary Jesse Robredo sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa tagapagsalita ng bise presidente na si Joey Salgado, mas pipiliin umano ng ikalawang-pangulo na ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa housing at pagtulong sa mga overseas Filipino workers.

Si Binay ay kasalukuyang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council at presidential adviser on OFW concerns.

Maliban naman kay Binay, lumutang din ang mga pangalan nina Sen. Panfilo Lacson, Manila Mayor Alfredo Lim, dating Isabela governor Grace Padaca at Davao Vice Mayor Rodrigo Duterte, na maaaring susunod na kalihim ng nasabing ahensiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Binay, ‘di interesado sa iniwang puwesto ni Robredo

  1. Binay kunyari ka pa,, Patay na patay kang mahawakan ang DILG… Kupal para makopo mo lahat ang mga Mayors at Kapulisan yun ay ang ambisyon mong maging Presidente ng Pinas,, May nag sesecond d motion pa sayo si JInggoy ‘Unggoy” Estrada.

Leave a Reply

Your email address will not be published.