Binawing Korean Noodles, Tinututukan ng Customs

NAKATUTOK ANG Bureau of Customs (BOC) sa resulta ng pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA) sa anim na klase ng Korean noodles na matandaang ipina-recall sa merkado.

Ipinabawi ng FDA ang anim na brand ng Nongshim Korean noodles na kinakitaan ng chemical na benzopyrene na maaaring magdulot ng cancer, ayon na rin sa pagsusuri ng Korean FDA.

Nagpadala ng pormal na sulat si BOC Commissioner Rufino Biazon kay FDA Deputy Director Nazarita Tacandong upang malaman kung ipatitigil na ang importasyon ng Korean noodles sa bansa na dumaraan sa Customs. Ipinasusumite na rin ni Biazon ang listahan ng mga importer ng mga pinabawing Korean noodles kay Deputy Commissioner Prudencio Reyes Jr. ng Customs Assessment Operations and Coordinating Group.

Nilinaw rin ni Comm. Biazon na ang FDA lamang ang may karapatang magpa-ban ng mga nasabing produkto. Aniya, ang trabaho ng Customs, tiyakin na kapag ang mga produktong napa-ban, hindi na maaring i-import o makalabas ng bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.