Binatilyong Sangkot sa Iligal, Tinira sa Eskinita

PATAY ANG isang binatilyong sangkot umano sa iligal na gawain nang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek na nakasuot ng bonnet sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Warren Agao, 17 ng Baclaran, Pasay City.

Sa ulat, alas-7 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Mesina St., Tinajeros nang sumulpot ang mga suspek kung saan isa ang agad na pinagbabaril si Agao.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang inamin naman ng mga kapatid ni Agao na sangkot sa iligal na gawain ang biktima.

Inaalam na ng mga awtoridad ang dahilan ng pamamaril.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.