Binatilyong Nangongotong, Patay sa Saksak

PINAGSASAKSAK ANG isang 16 anyos na binatilyo ng isang hindi nakikilalang lalaki na hinahabol nila ng kanyang kabarkada para koto¬ngan sa Quezon City, kamakalawa ng madaling-araw.

Si Mark Stephen Torres, vendor ay nagawa pang maisugod sa pagamutan ng kanyang mga ka¬ibigan pero binawian din  ng buhay.

Sinabi ni SPO1 Eric Lazo, may-hawak ng kaso na nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Ave., malapit sa panulukan ng Litex Road, Barangay Commonwealth, ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Ayon kay Lucila Daniles, saksi sa nasabing insidente, bago ang pananaksak, nakita umano niya ang biktima kasama ang isang alyas Athan at isa pang lalaki na tila nasa impluwensya ng alak at nangongotong sa mga dumaraang tao sa lugar.

Kasunod nito, nakita niya ang grupo na may hinahabol na isang hindi nakikilalang tao patu¬ngo sa Commonwealth Avenue, at ilang minuto ay bigla na lang bumuwal ang biktima sa kalye at duguan.

Samantala, kaagad namang isinugod ni Athan ang biktima sa East Avenue Medical Center pero makalipas ang alas-5:32 ng umaga ay idineklara rin itong patay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.