Binatilyong nanghipo ng titser, nagtangkang magpakamatay

LIGTAS NA SA tiyak na kamatayan ang isang binatilyong nag-laslas ng pulso nang mapahiya sa kanyang panghihipo sa isang guro sa Laoag City, Ilocos Norte.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, isinumbong ng isang guro na itinago sa pangalang Anna sa Barangay Hall ang pagpasok ng binatilyong si Johnny sa kanyang kuwarto noong Lunes ng gabi.

Sa salaysay ni Anna, mahimbing siyang natutulog sa inuupahang kuwarto nang maalimpungatang may humahalik at yumayakap sa kanya.

Dito nagsisigaw si Anna na umagaw ng pansin sa katabing bahay na agad sumugod upang malaman ang nangyari.

Agad ipinarating ni Anna sa mga magulang ng binatilyo ang ginawa na noo’y nagtungo rin sa lugar.

Gayunman, nagtulog-tulugan ang binatilyo kaya binuhat na lamang itong pauwi.

Sa kanilang bahay, sa labis na kahihiyan ng binatilyo ay naglaslas ng pulso subalit agad ding naisugod sa ospital.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.