Binatilyong naglalaro ng video games, pinagbabaril

PATAY ANG ISANG 17-anyos na binatilyo makaraang pagbabarilin ito sa loob ng video game shop habang ang una ay naglalaro kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng tinamong tama ng bala sa ‘di pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Edgar Labastida, tubong-Bulacan at residente ng Miramonte Park West, Brgy. 180, Caloocan City.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng Caloocan police para sa agarang ikadarakip at pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas patungong Amparo St. ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Cristito Nobelo’s residence ng nasabing barangay.

Ayon sa saksing si Rommel Sabangan, 27, binata, ng nasabing lugar, kasalukuyang siyang nasa loob ng video shop at naglalaro kasama ang biktima nang bigla na lamang pumasok ang suspek na armado ng baril.

Dito, walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa naturang krimen. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.