Binatilyong holdaper, Itinumba

ISANG 16-ANYOS na binatilyo na sinasabing miyembro ng holdap gang ang natagpuang patay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Antonio Martirez, 16, out of school youth, walang hanapbuhay at pansamntalang naninirahan sa Brgy. 178, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Alcee Jumacquio, may hawak ng kaso, dakong alas-11:00 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa kahabaan ng Doña Aurora, Brgy. 177 boundary ng Brgy. 178, Camarin.

Ang biktima ay nakitang nakahandusay sa lupa, may nakataling rubber cord (fan belt) sa leeg at ang magkabilang kamay ay nakagapos sa gawing likurang bahagi ng katawan.

Ayon sa ilang kabarkada ng biktima, bago matagpuan ang bangkay ni Martirez ay nakita nilang dinampot ang biktima na may kasamang pulis at makalipas ang may ilang oras ay isa nang malamig na bangkay ang biktima.

Ayon sa ilang residente sa nasabing lugar na ayaw ipabanggit ang kanilang mga pangalan, si Martirez ay miyembro umano ng holdap gang at sindikato ng akyat-bahay.

Nagsasagawa pa rin ang pulisya ng imbestigasyon para matukoy kung sino ang nasa likod ng summary execution sa biktima.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.