Binatilyong ‘Di Makapag-kolehiyo, Nagpakamatay

HINDI NA matutupad ang pangarap ng 15-anyos na si Denmark Gabug, residente ng Brgy. San Lorenzo, San Nicolas, Ilocos Norte dahil sa pagpapatiwakal nito sa pamamagitan ng pagbigti.

Ayon sa ina ng biktima na si Cynthia Gabug, pangarap sana ng kanyang anak na maging guro balang-araw.

Sinabi ni Mrs. Gabug na gustuhin man nilang makapagpatuloy ang kanyang anak sa kolehiyo ay wala silang magawa dahil mahirap lamang ang kanilang pamilya.

Umaasa ang kanyang anak na pag-aaralin sana ng kanyang tiyahin na nasa abroad ngunit laking pagkadismaya nito nang malamang nawalan ng trabaho ang kanyang tiya.

Ang binatilyo ay katatapos lamang sa high school at papasok na sana sa first year college ngayong pasukan.

Samantala, ang nangyari sa biktima ay nagpaalala naman sa naganap ding pagpapakamatay ng 16-anyos na si Kristel Tejada, isang behavioral science student ng University of the Philippines (UP) – Manila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.