Binatilyong 2 ang Ari, Nakararanas ng Pagsakit ng Puson

DAVAO CITY – NANANATILI pa rin sa ospital ang binatilyong hermaphrodite o may dalawang ari dahil sa hapdi ng kanyang puson sa lalawigan ng Davao.

Ayon sa magulang ng nasabing binatilyo, karaniwang nararanasan ito ng kanilang anak bawat buwan dahilan upang hindi nila ito maiwan.

Nabatid din na nararanasan ng binatilyo ang nasabing kundisyon tuwing petsa 17 hanggang 20 bawat buwan na mahahalintulad sa isang babae na nireregla.

Kahit walang lumalabas na dugo sa ari nito, nararamdaman ng pasyente ang pagtigas sa kanyang puson. Dahil dito, kailangan itong painumin ng pain reliever. May inihahanda ring oxygen kung mahihirapan ito sa paghinga.

Sinasabing bed-ridden ang bata sa panahon na nararanasan na nito ang pagsakit sa kanyang puson at lagi rin itong nagsusuka.

Nilinaw ng ina na nagsimula ang nasabing kundisyon nang 15 pa lamang ang binatilyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.