Binatilyo, Todas sa Tropa

PATAY ANG isang binatilyo matapos pumutok ang pabirong itinutok na pengun ng kaibigan habang nakatambay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si John Henry Pongaw, 15, ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si John Cindy Angeles, 17, ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-7:20 ng gabi, nakatambay ang biktima at suspek kasama ang iba pang barkada sa Phase 3, Bagong Silang nang maglabas ng pengun si Angeles at pabirong itinutok kay Pongaw.

Isa sa mga kaibigan ang humawak sa kamay ng suspek at aksidenteng pumutok ang pengun at nahagip sa ulo ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas na ang suspek.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.