Binatilyo, Todas sa Pinakialamang Sumpak

SABOG ANG dibdib ng isang binatilyo matapos pumutok ang inuusisang sumpak sa loob ng bahay ng kaibigan sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Dead on arrival sa President Disodado Macapagal Memorial

Medical Center sanhi ng tama ng bala sa dibdib si John Kenneth Enrile, 15, ng 4th Avenue ng lungsod.

Sa pahayag ng saksing si Levi Elloraba, 16, dakong alas-12 ng tang-hali nang magpunta sa kanilang bahay sa 2nd St., 4th Avenue ng lungsod ang biktima at nakita ang isang sumpak.

Sinabi pa ng saksi na may nag-iwan sa kanila ng sumpak ng hindi pa kilalang lalaki.

Iniwan ng saksi ang biktima na inuusisa ang sumpak hanggang sa makarinig ang una ng putok.

Nang balikan ang biktima ay nakita na lang duguan nakahandusay na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng binatilyo.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.