Binatilyo, todas sa kapwa binatilyo

KRITIKAL ANG ISANG binatilyo matapos barilin ng kaaway na binatilyo habang ang una ay nakikipag-chat sa loob ng computer shop sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tama ng bala sa dibdib si JunJun Petalio, 17 ng Policarpio St., General T. De Leon ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na itinago sa pangalang Toto, 15 ng De Gula Cmpd., Gen. T. De Leon ng lungsod.

Sa ulat, alas-2:30 ng hapon, nakikipag-chat ang biktima sa computer shop sa Gen. T. De Leon Rd., Gen. T. De Leon nang pasukin at barilin ni Toto.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa VMC ang biktima. Nabatid na bago ang insidente ay hinagisan ng biktima ng pillbox ang grupo ng suspek na naging dahilan upang hantingin ni Toto si Petalio.     (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.