Binatilyo, todas sa kadyot ng kapitbahay

MAAGANG KINUHA NI kamatayan ang isang binatilyo makaraang maubusan ng dugo sa katawan nang saksakin ito ng kanyang kapitbahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na hindi umabot nang buhay sa Tala Hospital sanhi ng isang tama ng saksak sa gawing itaas ng kaliwang braso ay si E-merson Tumulak, 19, ng # 881 Miramonte Park, Brgy. 180 ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap namang kasalukuyan ng mga elemenyo ng Caloocan PNP ang suspek na nakilalang si Archie Bolivar, 20, walang asawa at kapitbahay ng biktima.

Base sa ulat ng Caloocan police, bandang alas 8:30 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa Miramonte Park East, Brgy. 180.

Nabatid na naglalakad ang biktima pauwi sa kanyang bahay nang biglang duma-

ting ang suspek na armado ng patalim.

Sa hindi nabatid na dahilan ay kaagad na inundayan ng saksak ang biktima na tinamaan sa gawing itaas ng kaliwang braso.

Matapos nito ay mabilis na tumakas ang suspek dala-dala ang ginamit na patalim sa hindi nabatid na direksiyon habang ang biktima naman ay kaagad na dinala sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay sanhi ng pagkaubos ng dugo sa katawan.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.