Binatilyo, Todas sa Dating Kaaway

PATAY ANG isang binatilyo matapos pagsasaksakin ng kanyang dating kaaway nang mag-krus ang landas ng mga ito kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Angelo Baluyot, 17, ng M. Naval St., Brgy. Daanghari, Navotas City.

Tinurn-over naman sa detention cell ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Navotas City, ang nadakip na suspek na si Ronel Alentajan, 16, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Rajah Matanda St., ng nasabing barangay.

Naglalakad ang biktima nang makasalubong nito ang suspek hanggang sa maungkat ang dati nilang alitan na ikinagalit ng huli kung kaya’t agad na bumunot ng patalim at walang habas na pinagsasaksak ang una na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek dala ang ginamit na patalim sa pamamaslang, subalit ilang nakasaksi ang nakahingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa agarang pagkakadakip kay Alentajan.

Inaalam na ng pulisya ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.