Binatilyo, Tinuhog ng Totoy

MALUBHA SA pagamutan ang isang binatilyo matapos pagtutusukin ng icepick ng isang totoy matapos mapagkamalan ng huli na ang una ang kanilang nakaaway sa computer shop sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Chinese General Hospital sanhi ng mga tusok ng icepick sa katawan si Celmar Reyes, 16, ng Milagwas St., ng lungsod.

Pinaghahanap naman si Jomarie Austria, 15, ng 10th St., ng lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng gabi, nagkaroon ng kaaway ang suspek sa computer shop sa Campupot St., ng lungsod at nang papasok ang biktima ay napagkamalan ng totoy na isa ito sa mga kaaway.

Sinalubong ng mga tusok ng icepick ng suspek ang biktima bago tumakas habang dinala naman ang huli sa CGH.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.