Binatilyo, Tinuhog ng Barbecue Stick ng Karibal

DAHIL KAPWA nag-aagawan sa nililigawan, isang binatilyo ang nasugatan matapos na saksakin ng  barbeque stick ng kanyang karibal kamakailan sa Sta. Ana, Maynila.

Base sa report ni SPO2 Gil Gabuya ng Sta. Ana Police Station 6, ipinagharap ng kasong slight physical injury ng biktimang si “Ian”, ng Road 5, Bagong Sikat, Punta, Sta. Ana ang suspect na si “Don”, 16, ng #2575 Tejeron St., Sta. Ana, Maynila.

Nangyari ang pananaksak dakong alas-2:30 ng hapon nang magkasalubong umano ang dalawa at magpang-abot hanggang sa masaksak ni Don si Ian sa likod ng napulot na barbeque stick.

Nilalapatan ng lunas sa Sta. Ana Hospital ang nasabing biktima dahil sa tinamong saksak sa likod.

Matagal na umanong may alitan ang dalawa dahil sa pagiging magkaribal sa isang dalagitang kapwa nila nililigawan.

Samantala, sadyang itinago ang tunay na pangalan ng dalawa upang maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.