Binatilyo, Tinodas sa Sementeryo

PATAY ANG isang binatilyo matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay naglalakad sa loob ng sementeryo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa ulo ang biktimang si James Michael Pumarada, 16, ng No. 57 Concepcion St., Brgy. Tugatog, Malabon City.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Sangandaan Cemetery na matatagpuan sa Sangandaan ng naturang lungsod habang ang biktima ay naglalakad.

Ayon sa saksing si Robert dela Cruz, 31, empleyado ng Sangandaan Cemetery,nakarinig siya ng putok ng baril at nang alamin ay nakita na lamang nito si Pumarada na duguang nakahandusay. Dahilan upang dalhin sa nasabing pagamutan ang biktima, subalit hindi rin ito umabot pang buhay.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa naturang krimen.        (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.