Binatilyo, Tinawag Saka Binaril, Patay

TINAWAG MUNA at kinausap bago binaril ang binatilyo ng hindi pa kilalang suspek sa Navotas kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng tama ng bala sa mukha si Ryan Yap. 16 ng North Bay Boulevard North ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-2 ng umaga, naghihintay ng kaibigan ang biktima sa kanto ng Lapu-Lapu Avenue at R-10, NBBN nang tawagin ng suspek.

Kinausap ng suspek ang biktima bago pinutukan sa mukha.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TGH.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.