Binatilyo, sugatan sa shotgun ng sekyu

RIZAL – KRITIKAL ANG 15-anyos na binatilyo matapos na tamaan ng bala ng shotgun nang aksidenteng mabitawan ng isang sekyu ang service firearms nito kamakalawa ng hapon sa bayan ng San Mateo.

Kinilala ni San Mateo chief of Police P/Supt. Carlito Briones ang biktima na si Ronald Cabanes Jr., residente ng # 156 Ibayo St. Brgy. Maly sa nasabing bayan.

Kusang loob namang sumuko sa mga barangay tanod ang suspek na si Beato Denoy, 23, residente ng Patiis Rd., Brgy. Malanday, Marikina City.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon sa RMR Crusher Corp. na matatagpuan sa Brgy. Guinayang, San Mateo, Rizal.

Nabatid na habang nagbabantay sa kanyang post ang nasabing sekyu ay nabitiwan nito ang hawak na shotgun at bumagsak sa sahig na semento.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumutok ang baril kung saan ay tinamaan sa kaliwang dibdib ang biktima na malapit sa lugar na binabantayan ng suspek.

Ang mga pangyayari ay nasaksihan ng mga residente, kung kaya’t sinugod nila ang suspek na muling nagpaputok ng warning shot para sa kanyang kaligtasan.

Kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries ang iniha-handang kaso ng pulisya laban sa suspek. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.