Binatilyo, Patay sa Kaladkad ng Garbage Truck

PATAY ANG isang 13-anyos na binatilyo matapos kaladkarin ng isang garbage truck na pag-mamay-ari ng lungsod ng San Carlos sa Pangasinan.

Nakilala ang nasabing biktima na si Julius De Guzman.

Base sa ulat, katatapos lamang magpa-enroll ng biktima sa papasukang paaralan nang maisipang sundan ang pinsan nitong nagbibisekleta.

Bago ito ay nakausap pa ng biktima ang kaniyang ina na labis nitong pinasalamatan dahil agad napapirmahan ang kaniyang clearance sa paaralan.

Posible umanong hindi napansin ng driver na si Alejandro De Guzman ang biktima dahil sa ginagawang kalsada sa lugar.

Samantala, hindi agad nasaklolohan ang biktima bagay na ikinasama ng loob ng mga kaanak nito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.