Binatilyo, Patay sa Damuhan

NAKADAPA NANG makita ang bangkay ng hindi pa kilalang binatilyo sa madamong bahagi sa bakanteng lote sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.
Tinatayang nasa edad 15 hanggang 17 ang biktima na payat at short na maong lang ang suot.
Sa ulat, alas-4 ng hapon nang makita ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa Friends Ville, Bignay ng lungsod ni July Magcarang ng nasabing lugar.
Agad na sinabi sa mga pulis ang nakita at nang respondehan, wala namang nakitang palatandaan na pinatay ang biktima.
Inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang ikinamatay ng biktima.
(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.