Binatilyo, patay sa ‘Siete Bulabog’

PATAY ANG ISANG 17-anyos na binatilyo makaraang pagtulungang saksakin ng grupong ‘Siete Bulabog’ nang madaanan ang una ng mga huli di-kalayuan sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Dead-on-arrival nang idating sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Raymond Maico, 17, “alyas Totoy Bato” at residente ng Phase 3, Gozon Complex, Letre, Brgy., Tonsoya ng nasabing lungsod.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad laban sa grupo nina Efren Macapugas, alyas Darrel, alyas Tata at iba pang mga kasamahan ng mga ito, pawang mga kalugar ng biktima sa agarang ikadarakip at pagkakakilanlan para papanagutin sa nasabing krimen.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 kahapon ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima ng mga nagpapatrolyang barangay tanod sa naturang barangay na duguan at tadtad ng saksak.

Dito, agad na dinala sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Bago pa man bawian ng buhay si Maico ay nabanggit pa nito ang ilang pangalan ng suspek na pumatay sa kanya.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.