Binatilyo, Nireyp na Ninakawan pa ng Kelot

TIMBOG ANG isang lalaki na inaakusahan ng panghahalay sa isang menor-de-edad na lalaki sa Misamis Oriental kamakailan.

Kinilala ang salarin na si Robert Apostadero alyas “Ondoy”, tindero ng mais.

Pauwi na ang biktimang 16-anyos matapos ihatid ang nobya nito nang hablutin umano ng salarin at dalhin sa isang abandonadong bahay para doon pagsamantalahan.

Ayon sa biktima, armado ng patalim ang suspek at pinagbantaan siyang sasaktan kung magsusumbong.

Ninakaw pa umano ni Apostadero ang kanyang cellphone at kuwintas na silver.

Samantala, todo-tanggi naman ang salarin at sinabing kagustuhan din ng biktima ang nangyari sa kanila sa abandonadong bahay.

Sa ngayon, nahaharap  si Apostadero sa mga kasong theft at child abuse.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.