Binatilyo, Napagkamalang Unggoy, Binoga

PATAY ANG isang 12-anyos na binatilyo matapos na barilin ng isang lalaki sa Agbannawag, Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga matapos na mapagkamalan na isang unggoy.

Nakilala ang nasabing biktima na si Albert Dayag, taga-Conner, Apayao habang ang suspek ay si Albert Allib ng Agbannawag, Tabuk City.

Ayon kay S/Insp Wilson Lagan ng PNP Tabuk City, kalibre .22 na baril ang ginamit ng salarin.

Sinabi pa ni Lagan na nagbabakasyon lang ang biktima sa kanyang mga kamag-anak sa naturang lugar.

Nabatid na tinamaan sa kaliwang tiyan na tumagos sa kanyang kanang dibdib ang biktima na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Samantala, hinihintay na lamang ng PNP Tabuk na isuko sa kanila ng mga tinatawag na elders o matatanda sa Agbannawag ang suspek para sa karagdagang pagsisiyasat at para malaman kung ano ang tunay na nangyari para sa pormal na pagsasampa ng  kaukulang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.