Binatilyo, nalunod makaraang magpa-enrol

NAUDLOT ANG sana’y pagpasok sa Grade 7 ng isang 15-anyos na binatilyo makaraang malunod sa ilog sa Poblacion Sur, Ivisan, Capiz.

Ayon kay PO2 Rendez Bautista, imbestigador ng Ivisan Police Station, nalunod si Richard de Martin ng Ilaya, Ivisan, matapos maligo sa ilog kasama ang anim pang mga pinsan pagkagaling sa eskuwelahan dahil nagpa-enrol.

Ayon kay Bautista, nagulat na lamang ang mga pinsan ni De Martin nang hindi na ito nakaahon mula sa tubig makaraan ang halos 20 minuto.

Humingi pa ng saklolo ang mga bata ngunit wala nang buhay ang biktima nang iahon mula sa tubig at isinugod sa ospital.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.