Binatilyo, Nagpasagasa sa Tren; Patay

PATAY ANG isang 17-anyos na lalaki matapos umanong magpasagasa sa tren sa Sugcad, Polangui, Albay kamakailan.

Base sa salaysay ng ina ng biktima na si Nora Eco, kauuwi lang galing Maynila ng kanyang anak na si “Joseph”.

Lumuwas ito noong nakaraang buwan para magtrabaho ngunit hindi umano nito kinaya kaya’t nagpasya na lang umuwi sa kanilang lalawigan.

Nagtataka umano sila dahil tila iba na ang ugali at ikinikilos ng binatilyo nang makauwi sa kanila at palaging wala ito sa sarili.

Ayon naman sa pinsan at matalik na kaibigan ng biktima na si Regine, mag-a-alas-6 noong Biyernes nang mapansin niyang balisa ito.

Akyat-panaog umano ito sa kanilang bahay sa gilid ng riles at tila hinihintay talaga ang tren.

Nagulat na lang umano siya nang bigla itong dumapa sa riles nang malapit na ang rumaragasang tren.

Nakaladkad pa ng i-lang metro ang katawan ng biktima.

Sa tindi ng impact, naputol pa ang isang paa ng binatilyo.

Dinala pa ito sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival.

Ayon sa report ng Albay Police, delikado talaga ang sitwasyon ng mga bahay sa lugar dahil sa malapit ang mga ito sa riles.

Samantala, umaasa naman ang pamilya ni “Joseph” na kahit papano ay makatanggap ng kaunting tulong para mabigyan ng disenteng libing ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.