Binatilyo, nagbigti sa sermon

PATAY ANG  isang 15-anyos na binatilyong nagbigti matapos masermunan ng kanyang ama dahil sa hilig nitong manligaw sa Barangay San Rafael West, Sta. Maria, Isabela kamakailan.

Kinilala ni P/Senior Insp. Arnold Bulan, hepe ng Sta. Maria PNP ang nasabing  biktima na si Venant Tuliao, 3rd year high school student at residente sa natu-rang lugar.

Sinabi ni Bulan na lubos na ipinagdamdam ng biktima ang sermon ng kanyang ama sa labis nitong panliligaw ng mga dalaga sa kanilang lugar kahit na mayroon na itong dalawang nob-ya.

Napag-alaman na huling namataang buhay ang binatilyo sa lamayan ng patay subalit hindi namalayan ng kanyang mga kaanak na muli itong lumabas ng bahay at nagbigti sa puno.

Samantala, wala namang narekober na suicide note sa biktima at walang palatandaan na may bahid ng foul play ang nasabing pagpapa-kamatay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.